Hi guys! It’s
been ages! And Yeah I’m back!
Gusto ko lang
i-share sa inyo yung binasa ko last week!
Oo, tagalog
blog post ito kasi, tagalog yung binasa ko. HAHAHA
3 Words, Eight Letter, Say it I’m yours!
Sino nga bang
hindi kikiligin sa mga katagang ito?
Nung una hindi ko gets kung
bakit ganyan yung title pero as I move forward, dun ko pa lang nalaman. First
time ko magbasa ng Tagalog Story, buti nalang super memorable yung first time
na to. Haha
Well nung una katulad din
ako ng karamihan. Naiinis ako kasi bat ganun? Tanga ba tong si Courtney? HAHA
Kasi una pa lang talaga, bet ko na si Kean kahit ang sungit
nya. Ang weird ko ba? Haha Pero natuwa lang talaga ako sa story. Alam nyo yung
feeling na parang kilala ko sa totoong buhay tong mga characters na to. Hindi
ko alam kung anong epekto netong story ni girlinlove sa buhay
ko, at take note, sa buhay din ng kapatid, pinsan at mga kaibigan ko. Lahat na
kami! Mama ko nalang ata hindi pa nakakabasa.
Sa totoo lang, yung part na tunay na
naka antig sa puso ko ay nung sinasabi na ni Kean kung bakit nya mas pinili na
hindi magkita, pati nung nalaman kong sinusundan lang pala nya si Courtney
kahit san sya pumunta. In short, yung Kean's Journal. Kalurkey, May kean pa ba sa mundong
ito? :P
Ishe-share ko din sa inyo yung mga
favorite lines/part ko.
"Si Chanel kuha ng kuha ng gulay at prutas. Si kean naman puro chips and sports drinks.
"Ano ba yan Kean"
"Obvious ba Courtney?! Pagkain to!!"
"=__=+ Oo alam ko! Pero ano gagawin mo diyan?!
"Ititinda ko sa pawnshop"
Kung alam nyo lang kung gano ko
natatawa sa part na yan!
Pero sweet naman talaga si Kean,.,,
"Lahat na ata ng kabaduyan
ginawa ko na para sayo. Pero hinding hindi ako magsasawang ulit ulitin yun
sayo"
OHMYGULAY. Pengeng popcorn at ituloy
and storya....
Minsan ba, naitatanong nyo sa sarili
nyo kung kelan dadating ang Kean ng buhay nyo?
Ayieeee.
Kasi, yung friend ko,
lagi nya tinatanong sa sarili nya yan. Hahahaha Ewan ko ba dun. Naka-rugby
ata!
Nababasa ko din na
minsan nagkikita kita pala ang mga fans ni GIRLINLOVE Guys,
inform nyo naman ako! Ayaw nyo bang isama ang dyosa ng kabaliwan na katulad ko?
>__<
Syempre hindi matatapos and post na
to kung walang partisipasyon and babaeng nasa likod ng mga pinagsasasabi ko
kanina. *drumsroll*
Sa mga fans ni Girlinlove,
Kean, Chanel at 3W8L Nation,
para sa inyo to!!
Maikling interview lang to, Malay mo
naman kasi, meron palang may crush kay Jade dyan at natatakot lang magsabi.
Malay mo, ikaw na to. Malay mo, ikaw pala na nagbabasa nito ang tinutukoy ko.
Eto na ang pagkakataon mo para makilala sya ng lubusan!
[INTERVIEW/ Q
& A]
GIRLINLOVE (Jade Margarette Pitogo)
Name: Jade Margarette S. Pitogo
Nickname: Jade
Age: 19
School: De La Salle University
Books: Forever I'll be your prince and forever
you'll be my princess. Three Words Eight
Letters Say it and I'm Yours, Three Words, Eight Letters If I say it will I be
yours? 6 Month Rule and 100 Steps to His Heart.
Crush: (Mukhang
alam ko na to. Si J ba? LOL napansin ko lang sa tweets mo Sorry :D) Yup!
HAHAHAH Super crush ko si Jeron Alvin Uy
Teng. And yes, kailangan complete name!
Favorite book: No specific book, but I'm
currently hooked up to John Green's books!
Favorite cartoon character: I like Barbie,
Snow White, and My Melody.
Favorite color: PINK!
Sports: Basketball. Badminton
1.)Meron ka na bang na encounter na hater sa
mga SNS?
Yup! A lot! Lalo na recently. What's worse is
they weren't hating me kasi panget ang story ko or what. They're hating me
because apparently, OA na daw ako kay Jeron Teng. This started before my 19th
birthday kasi. My readers knew na crush ko si Jeron Teng, and then there were a
lot of hashtags na nagtrend then napansin ako ni Jeron Teng. So... Ayun.
Famewhore at malandi na daw ako. Apparently, I can't fangirl. But... Hater's
gonna hate. Crush ko pa rin si Jeron. Besides, what's so wrong na magkacrush sa
guy na nagrerepresent ng school namin? That's basically why I liked him in the
first place. He brought championship for our school. Anyway, speech na 'to agad
first question pa lang! I just want to clear my name. I'm not a flirt, for
those who know me and kasama ko manuod ng game nina Jeron.. Kailangan pa nila
akong hilahin or itulak para magpapicture. And... I don't see anything wrong
with supporting my schoolmate. Nagkataon nga lang na may fans ako na iniisip na
bagay kami. (that's why I love them) and shiniship kami together.
2.)Sino ang inspirasyon mo habang sinusulat
and 3w8L?
Inspiration? A lot of people have asked me what my inspiration was in
writing 3W8L... and to be honest, I don't really have any inspiration.
Sinusulat ko lang yung kung anong naiisip ko. Sometimes kasi, the scenes just
pops out of my head, and BOOM another chapter. But, noong nagkaroon na ako ng
readers, sila na yung naging inspiration ko (No shit haha!) Kasi they're words
are so encouraging, and sobrang hahaba ng comments nila na maiisip mo na
"Nope, ayokong idisappoint sila."
3.) Anong favorite line mo sa 3w8L?
Favorite line... Hmmm actually madami! Gusto
ko yung:
"Minsan may mga taong dadaan lang talaga
sa buhay natin." - Dylan
"You were his prince, and she was the
princess." - CK (this broke my heart)
"Kaya may nawawala, kasi may MAS na
darating" - Lola Lisa.
Yan, these are just some of my favorite lines.
Madami talaga pero di ko memorized yung sinulat ko!
4.)Imagination lang ba lahat yun or medyo may
“base sa totoong buhay” na part?
Yung 3W8L imagination lang lahat! No parts of
it were true, or nangyari sa akin in real life. Lahat yun mga iniimagine kong
mangyayari sa akin in real life. (HOPING HAHAHA)
5.)Nakahanap ka na ba ng Kean ng buhay mo?
Not yet, I'm still hoping na may dumating na
Kean sa buhay ko! But I'm not really looking for a serious relationship now.
Gusto ko lang yung may kasama ako sa holidays HAHAHA What? Am I making any
sense right now? I don't like serious relationship kasi if magkaroon ako,
masyado akong mageenjoy at mawawalan ako ng time na magsulat. Promise. (Pero
fans, please ipagpray niyo na mapansin ako ni Jeron lol kidding. Haters na
naman diyan oh!)
6.)Anong favorite part mo sa 3w8L?
Favorite part ko is yung Paghihiwalay ni CK
and Elle kasi hindi umulan. "Kean's Journal" and yung proposal ni
Chanel (especially yung 10 things to remember about Elly ni CK). Yan! And, yung
Kean's Journal sobrang hirap gawin kasi pinagconnect connect ko lahat mula Book
1 (kay Yaya Rosa) hanggang sa lahat ng nangyari sa book 2. Kasi before wala
talaga akong plano na magbook 2 pero sobrang daming humingi ng book 2 kaya
nagisip ako ng way kung anong plot at paano maeextend. So, mahirap talaga siya
pagtagputagpuin, and ang hirap lutusan ng mga butas ni Yohann at CH ganyan.
Pero in the end, mukhang worth it naman.
7.)Kelan ka nagsimula magsulat ng stories?
Elementary pa lang ako, sobrang creative na
ako. I like making stories. Noong high school naman kilala ako ng friends ko na
mahilig sa ganyan, but yung first story sinulat ko noong 14 years old ako. Yun
yung unang complete story ko
8.)Saan nila pwedeng mahahanap si Kean?,,, ah
este saan pala available ang Book 1 ng 3w8L?
Book 1 is available sa lahat ng bookstores
nationwide! National, Fullybooked, Powerbooks, even sa 7/11, ministop sa mga
supermarkets and nakakita nga ako before sa Ace hardware eh! It's available
nationwide!
9.)Ano ang pinagkaka abalahan mo ngayon?
Right now? I'm busy being a bum. Lol kidding.
I'm trying to finish 100 steps to his heart kasi pag nagstart na ako sa law
school for sure di ko na maaasikaso yan. So, I'm trying to finish it para
update na lang ng update... Kaso, this story is so long! (100 steps eh!)
10.)Kelan ni-release yung book 1? At kelan
irerelease yung book 2?
Book 1 was released last September 14, 2013, and book 2 I think
end of January? Or early February? That's the schedule given, pero if may ie-edit
pa or what, baka ma-adjust pero Early 2014 siya (Please, buy one!)
11.)Kelan ang next get together/gathering ng
fans/supporters mo?
Right now, wala pa akong plans kasi mayroon
namang mga book signing. BUT I promised them na mayroon akong meetup sa Summer.
May siguro? Before ako pumasok ng law school, kasi baka magchill muna ako sa
wattpad pag naglaw school eh. Despedida meetup!
Nag enjoy ba kayo sa Q&A? haha Sa mga
haters ni GIRLINLOVE na mukhang in love ngayon, magsigil kayo at baka ipasipa
ko kayo kay Kean jk J Ang masasabi ko lang eh
"Stop labeling people just because they're not like you. "
Heeehee :D
Jade, salamat sa pagpapaunlak(lalim nun ah) sa interbyu na ito! I heart you <3
FOLLOW/ADD NYO SI GIRLINLOVE
Three words,
eight letter, say it I’m yours.
This book is
available in ALL BOOKSTORES NATIONWIDE. Kaya, bili na! at abangan ang BOOK 2.
Kayo ba anong lines ang mga
nagpatawa, nagpaiyak o nagpakilig sa inyo? Shareeee!
At sana ma-meet ko ang mga kapwa
kong nagkaka-crush sa isang fictional character. :)
Hindi naman masama diba? At least
masaya ka at hindi ka nasasaktan. Chaaar haha :)
Thank you sa mga nagbasa ng super
habang comeback post na to! :)
P.S HELLO DAW KAY JERON ALVIN UY TENG SABI NI SOON-TO-BE MRS TENG. ESTE JADE PALA :D
No comments:
Post a Comment